𝘔𝘪𝘯𝘴𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘪𝘵𝘢𝘮𝘱𝘰𝘬 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴i𝘯u𝘭𝘢𝘵 𝘯𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘸𝘦𝘯𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘣𝘢, 𝘬𝘸𝘦𝘯𝘵𝘰 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨𝘢𝘯, 𝘥𝘦𝘥𝘪𝘬𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘵 𝘵𝘢𝘨𝘶𝘮𝘱𝘢𝘺. 𝘗𝘪𝘯𝘪𝘭𝘪 𝘬𝘰 𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘍𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘰 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘮𝘱𝘰𝘬 𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘗𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘰.
Siya si John Mark L.Bauzon, ang dati kong kaklase noon sa room 307 ng de Mazenod Bldg. Elite dancer, volleyball player, masayahin at palabiro, di tulad ng nasa piktyur.
Naging kasama ko rin siya noon sa umaga kapag tatakbo, tatalon, sisigaw ng "Attention to ordeeeeers", doon sa Pamantasang Malapit sa Airport, "ang kaibigan mong tunay aawit sayo".
"𝘌𝘹𝘢𝘮 𝘵𝘢 𝘳𝘪𝘤", ito ang bigla niyang sinabi habang taimtim at pilit kong iniintindi ang mga problema sa aklat nina Valix at Ballada. "𝘈𝘱𝘢𝘴 𝘵𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘗𝘳𝘪𝘯𝘤𝘦." PMAEE ang kanyang tinutukoy.
Apat kami noon ang nagkayayaang mag exam ngunit akoy nagdadalawang isip dahil kailangan pang magbayad ng trepipti kay Ma'am Lusvisminda para sa TOR bilang requirement sa exam. "Ako na bahala!", ang kanyang sabi kayat sino ba ako para tumanggi.
Nalaman kong pumasa kami dahil sa araw-araw naming pag-aabang ng newspaper sa library. May itinago ring kopya ng nasabing pahayagan ang kanyang amang kasama naming tumatakbo.
May mabagal at mabilis. Iba-iba ang pacing ng aming takbo kayat isang araw ay ipinahabol kami sa alaga niyang Belgian upang tumulin hanggang Patindiguen. Ginabi kami ng uwi pabalik. Ang isa naming kasama'y laging naninikip ang dibdib kaya binansagan naming may palyadong "center volt" na ngayo'y isa ng officer of "The Few, The Proud, Marines".
April Fools Day noon pagkarating namin sa Dimalupig Park. Unang araw sa akademya upang daluhan ang isang reception. Ang hindi namin alam, kami pala ang handa sa piging. Ito rin ang unang pagkakataong mahiwalay sa mga magulang. Magulo. Maingay. Mapawis. Malungkot. Nakakapagod. Nakakapagal. Ganito sa unang araw.
May kabayan kami sa loob na mabait, magan[da], mahinay magsalita at mara[han] ang galaw. Kaya tumataas ang aming morale kapag siya'y aming nakikita. Hanggang sa natapos namin ang 'beast barracks' training makalipas ang dalawang buwan.
Dumating na ang araw ng Incorporation kung saan ay imbitado ang mga magulang sa akademya. Ito rin yung araw na hindi ko alam na nagpasya siyang lisanin ang akademya at bumalik sa buhay sibilyan. Di ko maiguhit noon sa aking isipan kung paano siya pinanghinaan ng loob gayung siya ang nagpapalakas ng aking kalooban.
To make the story longer, bumalik siya sa aming probinsya at ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral, nagtapos, nakapagtrabaho, at nakagpag-asawa (𝘥𝘪 𝘱𝘢 𝘱𝘢𝘭𝘢). Ngunit hanggang sa mga pagkakataong iyon ay kanyang sinabing patuloy paring hinahanap ng kanyang puso ang totoong makakapagbuo ng kanyang pangarap.
Batid kong masaya na siya sa kanyang piniling landas. Malaya at payapa. Tulad nga ng laging kung sinasabi, "ang lahat ng desisyon ay nagiging tama kapag pinanindigan."
Makalipas ang isang long time ago, ay sinabi niyang pumasa at napili siya sa Officer Candidate Course ng Philippine Army. Dito ay biniro ko siyang h'wag ng ituloy at baka umalis rin siyang walang paalam ngunit buong-buo na ang kanyang desisyon at handa na ang kanyang sarili.
Bagamat hindi niya kailangang patunayan na siya ay malakas at magaling dahil alam kong noon pa siya'y matibay na, ngayo'y tuluyan na nitong tinupad ang makapagbubuo ng kanyang pangarap- ang maglingkod sa bayan bilang bahagi ng Hukbong Sandatahan sa pamamagitan ng kanyang nakakubling katatagan at dedikasyon at ang walang patid na pagmamahal ng kanyang mga magulang na handang sumuporta sa kanya anuman ang mangyari.
𝘈𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘵𝘪𝘬𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘢𝘭𝘶𝘥𝘰 𝘢𝘵 𝘵𝘢𝘪𝘮𝘵𝘪𝘮 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘵𝘪 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘺𝘦𝘯𝘵𝘦, 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘪𝘴𝘦𝘯𝘵𝘦 𝘢𝘵 𝘪𝘯𝘵𝘦𝘭𝘪𝘩𝘦𝘯𝘵𝘦 (Christian C..), 𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘺𝘰𝘶𝘳𝘴 𝘵𝘳𝘶𝘭𝘺.
𝘾𝙤𝙣𝙜𝙧𝙖𝙩𝙪𝙡𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙨 !!!
𝐌𝐀𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 𝐀𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐒!
Comments
Post a Comment