Siblings; Your only enemy you can't live without. Minsan, 'di mo maintindihan kung bakit magkaiba kayo ng ugali gayong iisa lang naman ang mga magulang ninyo. Madalas kayong mapaaway sa isa't isa dahil sa mga tuksuan at mga away na walang kwenta. "Ate/kuya" ang tawag sa'yo 'pag mas nakakatanda ka. Kayo ang may pinakamatibay at maraming samahan sa lahat nung panahong 'di pa uso ang mga gadgets. Inaakala din natin na lahat ng mga ginagawa sa bahay o saanman ng mga ate o kuya natin ay tama. Kaya sabay-sabay ring mapagalitan o mapalo ng nanay 'pag may kasalanan. Ngunit may mga kapatid lang talagang timang mag isip kaya kahit ano na lang ang ginagawa upang matuwa at tumawa. At the end, may iiyak, ayun, nabigyan ng barya sabay takbo sa pinakamalapit na tinda. Ang saya 'di ba? Mga bagay na nakakatawang maalala. Why I'm saying this? Dahil darating ang araw na 'pag nasa malayo ka na, sila ang una mong maalala 'pag ika'y nag iisa.
Comments
Post a Comment